Live to Give

Minsan, iniisip ko bakit ko ba ‘to ginagawa?

Nagpapakapagod ako. Naghahanda. Nagpaplano. Tapos libre lahat. Walang bayad. Walang hinihinging kapalit.

Ang isang matinong tao, sa tingin ng nakararami, ay hindi gagawin ito ng walang ganansya sa sarili.

Ang isang matalinong tao, sa tingin ng nakararami, ay ‘minomonetize’ ang mga kakayanan at talento. May price tag ang skills kumbaga. Hindi binibigay ng basta-basta.

Kaya nga ba minsan napapaisip ako, susunod ba ako sa yapak ng nakararami? O gaya ng turo ng aking tatay, ‘Take the Road Less Travelled.’ At umayon sa aklat ng aking nabasa na, ‘Live to Give.’

Mahirap ma-sustain ang isang gawain kung wala itong matinding motivating force. Noon pa man, natutunan kong mag-operate through internal motivation. Pero syempre masaya din sa pakiramdam na may external motivators ka… rewards, encouragement and praise from others, etc..

Siguro kaya andito pa rin ako at nagbibigay ng libreng art workshop sa mga bata ay dahil sa sayang dulot sa akin makita lang na sila ay natutuwa at natututo ng bagong kaalaman habang nakikilala din nila ang sarili nilang kakayanan.

Sabi nila, ang balik na rewards sa isang guro ay di makikita kaagad. Madalas, kailangan kang maghintay ng isang lifetime para malaman mong may silbi pala lahat ang pinaghirapan at pinagpaguran mo.

Kahit isang bata lang ang mahubog ko ay sapat ng kabayaran sa lahat.

God sees my heart. And that is what truly matters.